Thursday, March 1, 2012

Face to Face on TV5

Face to Face on TV5


“LOLO NA GAME PA SA ROMANSAHAN, TATLONG BABAE ANG GUSTO PANG ANAKAN?!” (BICOL EP...

Posted: 29 Feb 2012 08:58 PM PST

"LOLO NA GAME PA SA ROMANSAHAN, TATLONG BABAE ANG GUSTO PANG ANAKAN?!" (BICOL EP 1)
Airing date: 2 March 2012 (Friday)
Umulan man o umaraw, tumuloy ang Barangay Face to Face sa Cagsawa Ruins na tanaw ang Bulkan ng Mayon na isa sa mga tourist spots ng Pilipinas! At sa kauna-unahang pagkakataon , nakarating ang Barangay Face to Face sa Bicol upang pagbigyan ang hiling ng mga Bicolano na makapagdiwang ang Face to Face sa kauna-unahan nilang Cagsawa Festival!

Isang lalaki na matanda't oragon daw ang humarap sa tatlo niyang kerida at isa pang nililigawan na hindi nagpatalo sa isa't isa. "Kahit matanda na ako, pwede pa ito! Gusto ko pang magkaanak, gusto kong ikalat ang lahi ko! Ang problema, yung isa'y walang matres, yung isa baog, kaya doon ako sa isa na mabibigyan ako ng anak!"